November 6th, 2009
gano kahirap ang di sila mahawakan
sa totoo lang di ko alam kung bakit ako nag susulat ito yung pakiramdam ko simula pa kahapon noong huli kung isinulat yung blog ko ( paalala sa mga nag mamahalan )
kagabi pag katapos kung mag sulat pag dating ko sa ospital tinawagan ko ang kaibigan kung pari para sabihin ang mga nangyari ( di pa niya alam ) sabi niya dapat daw ipag dasal ko silang dalawa at gawan nang resting place..
balak ko ngayon gumawa nang resting place nila naghahanp ako kung saan sememteryo pede...
eto
sa totoo lang ngayon ang bigat ng pakiramdam ko kagabi di ako nakatulog halos palagi kung na iisip yung mga nangyari dati sa oras na to kausap ko ang mahal ko kahit siya na sasaktan pag naaalala ang mga nangyari wala naman kaming magawa kasi di naman namin ginusto ang lahat. eto ay sa loobin ko kung gaano kahirap di mo manlamang mahawakan ang mahal mo hinihintay mo sila simula pa sa unang araw o buwan pero bigla nalang silang nawala diba mahirap minsan alam ninyo iniisip ko binubuhat ko sila iniisip ko na tumatawa at hinahawakan ko sila sila minsan na nanaginip na ako na tinuturo nila ako parang sinasabi sa akin na " ikaw ikaw ikaw ang tatay ko ikaw ang gumawa sa akin bakit di kami lumabas sa mundong ito" halos every night dati na papanaginipan ko yun minsan isang bata minsan dalawa o kaya naman me mga bata sa nasusunog na bahay tapos nakatayo sila sa harap ko tapos pinipilit akong yakapin sila grabe minsan tumatayo ang balahibo ko pag naaalala ko yun..
ang hirap sana kung nasan man sila ngayon sana nakikita nila kami sana bumalik sila sana kung mag kakaanak pa kami sana sila ulit ang dumating di na ako mag papabaya mamahalin ko na sila sobra pa sa sarili ko
kapatawaran ng kaluluwa ko hinahanap ko
xoxo
patawad
tagakulay
unknown_dean

tagakulay
aisheru

tagakulay